Embahada ng Pilipinas sa Libya, bineberipika ang ulat kung isang Filipino ang female suicide bomber sa Tunisia

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Libya sa mga Tunisian authorities para beripikahin ang mga ulat na mayroong isang Filipinang suicide bomber ang pinasabog ang kanyang sarili gamit ang isang explosive belt.

Sa ulat, ang Garde Nationale Tunisienne ay nagsagawa ng anti-terrorism operation noong March 31, 2021 para tugisin ang extremist groups na nagtatago sa Kasserine region – matatagpuan 300 kilometro timog ng Tunis.

Isang hinihinalang extremist ang napatay sa operasyon habang ang kanyang asawang babae ay in-activate ang kanyang explosive belt, pinatay ang kanyang sarili ang hawak na sanggol.


Ayon sa Tunisian Interior Ministry, ang panganay nilang anak ay nakaligtas sa insidente.

Ang embahada kasama ang Philippine Honororay Consulate sa Tunis ay inaalam ang pagkakakilanlan at nationality ng babaeng suicide bomber.

Facebook Comments