Embahada ng Pilipinas sa London – patuloy na mino-monitor kung may mga Pilipinong nadamay sa sunog sa isang residential tower sa Kensington

London – Inaalam pa ng embahada ng Pilipinas sa London kung may mga Pilipino roon ang nadamay sa sunog na naganap sa 27-palapag na residential tower sa London.

Ayon kay Philippine Embassy to London Consul General Senen Mangalile – sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat kung may mga Pinoy na nadamay sa insidente.

Gayunman, patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa lugar.


Nabatid na nasa 5,000 Pinoy ang nakatira sa Kensington Borough kung saan matatagpuan ang nasunog na gusali.

Naglabas naman ang embahada ng emergency hotline na ‎0780-279-0695 na maaaring tawagan ng mga pilipinong posibleng nadamay sa sunog.
DZXL558

Facebook Comments