Embahada ng Pilipinas sa Moscow, Russia, nagbabala sa mga gumagamit ng pangalan ng embassy sa pagpoproseso ng pekeng visa

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Moscow, Russia laban sa mga gumagamit ng pangalan ng embahada para sa iligal na pagpoproseso ng visa.

 

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Moscow, hindi konektado ang embahada sa kahit ano mang recruitment agency.

 

Lalong hindi rin umano pinapahintulutan ng embahada ang mga iligal na gawain at transaksyon sa loob at paligid ng embassy.


 

Dahil dito, tiniyak ng embahada na kanilang pananagutin ang mga taong ginagamit ang pangalan ng embahada sa panloloko at panlalamang sa ating mga kababayan.

 

Sa mga makararanas ng naturang modus, hinikayat ng embahada ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa kanila.

 

Puwede silang magpadala ng mensahe sa moscowpe.atn@gmail.com at tumawag sa numero g +79067382538

 

Para naman sa Consular concerns gaya ng passport, notarials, civil registry ay gamitin lamang ang moscowpe.consularsection@gmail.com o tumawag sa numerong +79055438824.

Facebook Comments