Embahada ng Pilipinas sa Russia umapela sa ating mga kababayan na itigil ang illegal recruitment

Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Russia sa mga Pinoy na itigil ang pagre-recruit ng mga kababayan nating nais na makapagtrabaho ng wala namang kaukulang dokumento.

 

Ang apela ay ginawa ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, sa gitna narin ng isinusulong na bilateral labor agreement ng Pilipinas sa Russia para sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy.

 

Binigyang diin ni Sorreta, na kung nais natin ng labor agreement sa Russia, dapat itigil ng mga Pinoy ang illegal recruitment at maipakita sa kanilang pamahalaan na marunong tayong sumunod sa batas.


 

Sinabi nito, mahirap makipag-negosasyon sa isang kasunduan kung tuloy-tuloy namang may ginagawang kalokohan.

 

Ang siste aniya ng mga nananamantalang Pinoy, tuturuang kumuha ng tourist visa ang gustong magtrabaho sa Russia, at sisingilin ang target na iligal na naghahanap ng trabaho doon.

 

Dagdag ni Sorreta na habang lumalaki ang mga illegally recruited, mas lumiliit naman ang tsansa na magkaroon ng amnesty.

Facebook Comments