Embahada ng Pilipinas sa US, nilinaw na hindi refugees sa Afghanistan ang mga pansamantalang mananatili sa bansa

Nilinaw ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na hindi refugees ang mga Afghans na pansamantalang patitirahin sa Pilipinas habang pinoproseso ang kanilang US special immigrant visa.

Paliwanag ni Romualdez, ang mga naturang Afghan nationals ay pawang mga dating empleyado ng Estados Unidos sa Afghanistan at mga pamilya nito.

Hindi rin aniya terorista ang mga Afghan immigrants tulad ng pangamba ng ilan dahil sila ay mga empleyado ng US government.


Sa panig naman ni Defense Secretary Gibo Teodoro, sinabi nito na naging hiling ng US sa ating gobyerno na bigyan ng pansamantalang tuluyan ang mga dayuhan dahil nasa Afghanistan parin ang naturang mga Afghan special immigrants at masalimuot ang sitwasyon ngayon ng kanilang bansa at mahirap ng iproseso ang kanilang US visa.

Sa parte naman ni Senator Francis Tolentino, wala naman aniyang masama kung magbigay tayo ng tulong sa mga wala rin namang kasalanan na Afghans dahil kung tutuusin may mga Pinoy na nasa Kabul ngayon ang tinutulungan ng Afghanistan.

Facebook Comments