
Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Vietnam partikular na sa hilagang bahagi ng bansa.
Ito’y kaugnay ng papalapit na Bagyong Wipha o itong kalalabas lamang kahapon sa Pilipinas na Bagyong Crising.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Vietnam, inasahang tatama sa kalupaan si Bagyong Wipha ngayong umaga.
Kasunod nito, hinimok ng Embahada ang lahat na maging mapagmatyag, sumunod sa mga lokal na pamahalaan, at maging handa sa posibleng epekto ng bagyo.
Pinayuhan din ang mga Pilipino na makinig sa mga ulat-panahon at makipag-ugnayan sa lokal na awtoridad para sa mga kinakailangang tulong at para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Tiniyak naman ng Embahada na mayroon nang nakahandang suplay ng pagkain, tubig mga gamot at personal na pangangailangan ng mga Pinoy na posibleng maapektuhan ng bagyo.









