Target ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na mairehistro ang lahat ng stateless na mga Pinoy na naninirahan sa Sabah sa gitna ng nagpapatuloy na territorial dispute sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Malaysia.
Ayon kay Ambassador to Malaysia Maria Angela Ponce, mayroong 770,000 na mga Pilipino sa Sabah kung saan ang 550,000 dito ay itinuturing na undocumented.
Kaugnay nito, nagpadala na ang Embahada ng isang mission team sa rehiyon para magbigay ng civil registry services para sa mga Pilipino.
Kapag sinabing stateless, ito ay mga walang dokumentasyon at walang bansang nagki-claim sa kanila kung kaya’t sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagbibigay ng pasaporte ay mabibigyan sila ng status bilang Filipino national.
Facebook Comments