EMBALSAMADOR, NASAMSAMAN NG MARIJUANA, BARIL, AT BALA!

 

CAUAYAN CITY – Malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng isang embalsamador matapos itong dakipin ng mga awtoridad sa ikinasang search warrant sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

 

Nasamsam mula sa suspek na kinilala sa alyas “Dondon” ang 45 caliber na baril na may magazine at kargado ng limang bala, tatlo pang extra na bala ng caliber 45 kasama ang isang brown leather holster.

 

Maliban dito, nadiskubre rin sa bag ng suspek ang isang papel na naglalaman ng ilang pinatuyong dahon ng hinihinalang Marijuana.


 

Nang hingan ng dokumento ang suspek para sa nakumpiskang baril at bala ay bigo itong makapagpakita dahilan upang siya ay arestuhin.

 

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments