EMBARCADERO BRIDGE SA MANGALDAN, SARADO TUWING GABI DAHIL SA WIDENING PROJECT

Sinimulan na ang Phase 2 ng pagpapalawak sa Embarcadero Bridge sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Dahil dito, ipinatutupad na ang pansamantalang pagsasara ng tulay mula Oktubre 15 hanggang 21, tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw, upang bigyang-daan ang konstruksiyon.

Sa unang gabi ng implementasyon, may ilang motorista ang nasita ng Mangaldan Police Station dahil hindi pa umano pamilyar sa pansamantalang pagsasara, ngunit agad ding sumunod matapos mabigyan ng abiso.

Nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan at mga kaukulang ahensya para sa mas maayos na pagpapakalat ng impormasyon at abiso hinggil sa mga alternatibong ruta sa kahabaan ng San Jacinto–San Fabian–Mangaldan Road.

Samantala, nananatiling bukas ang tulay para sa mga emergency vehicle gaya ng ambulansya at fire truck.

Inaasahang matatapos ang konstruksiyon sa Oktubre 21. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments