Embassy ng Israel sa Pilipinas, nag-host ng dinner sa dalawang Pinoy na survivor sa Hamas attack

Courtesy: Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss | Facebook

Nagtipon-tipon sa tahanan ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Makati City ang dalawang Pinoy survivors sa Hamas attack.

Sa kanyang Facebook post, inihayag ni Ambassador Fluss na ikinalugod niyang makasama sina Jimmy Pacheco at Camille Jesalva gayundin ang kani-kanilang mga pamilya.

Sina Pacheco at Jesalva ay itinuturing ng Israel na bayani matapos nitong hindi iiwan ang kanilang mga among Israeli sa gitna ng pag-atake ng Hamas.


Bagama’t napatay ang amo ni Pacheco, hindi nito iniwan ang kanyang inaalagang nakatatanda hanggang siya ay mabihag ng Hamas.

Habang si Jesalva ay nakaligtas at ang kanyang alagang Israeli matapos niyang bigyan ng pera ang Hamas.

Facebook Comments