Albay – Nagtalaga na ang Department of Labor and Employment Rapid Employment Assistance for Mayon o DREAM Team sa Bicol office na mangangasiwa upang magbahagi ng 10-milyong pisong emergency employment sa mga manggagawang apektado ng pag-alburuto ng bulkang Mayon kasunod ng utos ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.
Ayon kay Bello upang mabigyang prayoridad ang lahat ng lugar, hinati ang DREAM sa limang field team na pinangangasiwaan ng Fact-Finding Team, Regional Project Monitoring Team, at mga miyembro ng Post-Disaster Needs Assessment Team.
Paliwanag ni Bello ang field team commander ay mahigpit na nagsanay at mayroong sapat na karanasan at husay upang piliin ang mga benepisyaryo at matiyak ang kaligtasan ng mga miyembro niya sa lugar.
Sa ngayon, nakilala na ng DREAM Team ang 2,000 evacuees/beneficiaries para sa emergency employment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers na ipinatupad nitong katapusan ng Enero hanggang sa unang linggo ng Pebrero 2018.