EMERGENCY EMPLOYMENT, HATID PARA SA MGA SOLO PARENTS SA DAGUPAN CITY

Hatid ang emergency employment para sa mga solo parents sa lungsod ng Dagupan sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged workers (TUPAD) program ng ahensyang Department of Labor and Employment.
Nasa mahigit apat na raan o kabuuang bilang na apat na raan at limampu o 450 na mga solo parents ang sumailalim sa profiling bilang paghahanda na mapabilang sa nasabing programa.
Kinilala naman ng alkalde ng lungsod ang mga solo parents sa kanilang ginagawang sakripisyo para sa mga binubuhay nilang pamilya kaya naman binibigyang pansin din ang mga programang makatutulong sa mga ito.

Samantala, sa ngayon ay nasa humigit-kumulang apat na libo ang bilang ng mga solo parents sa lungsod ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments