Emergency immunization program, pinalilikha para sa maagap na pagbabakuna sa mga vulnerable sector

Pinalilikha ang Department of Health (DOH) ng emergency immunization program laban sa virus para sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable sector.

Inihain ni Assistant Majority Leader at Quezon City Representative Anthony Peter Crisologo ang House Bill 7463 na layong magkaloob agad ng immunization service sa mga vulnerable at high risk groups tuwing may outbreak, pandemic, epidemic at iba pang hindi inaasahang public health emergencies.

Paliwanag ni Crisologo, mainam na mailatag ng maaga ng gobyerno ang mga hakbang lalo pa’t mahigpit ang resources ng bansa at napakalawak ng pinsalang idinulot sa kalusugan at kabuhayan tulad ng COVID-19.


Sa ilalim ng panukala, kapag naaprubahan ang isang vaccine sa ilalim ng itatatag na programa ay agad na babakunahan ang mga kabilang sa vulnerable sector tulad ng mga senior citizens, medical frontliners at mga taong mayroon ng health conditions na nakakaapekto sa paghina ng kanilang immune system.

Sa pamamagitan din ng panukalang batas ay magkakaroon ng sapat na kontrol ang pamahalaan sa mga kondisyong maaaring danasin ng bansa sa tuwing may health crisis at makapagligtas ng mas marami pang buhay.

Facebook Comments