Emergency lay-by sa Quezon Ave flyover, binuksan na ng MMDA

Binuksan na kanina ang “emergency lay-by” sa ilalim ng Quezon Avenue Flyover sa EDSA.

Ito ay para sa mga motorista na kapag biglang umulan ay mayroon silang masisilungan.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Abalos, pinapayagan ang mga motorcycle riders na huminto at magpatila ng malakas na buhos ng ulan sa nasabing emergency lay-by upang hindi na sila nakahinto at nakaharang sa highway habang nagpapatila ng ulan.


Sinabi pa ni Abalos na naiintindihan niya ang apela ng mga riders dahil delikado ang pagtigil sa daan o highway habang malakas ang buhos ng ulan.

Magtatalaga naman ang MMDA ng mga tauhan sa emergency lay-by upang pagbawalan na gawin itong parking o paradahan.

Plano rin ng ahensya na magdagdag pa ng emergency lay-by para sa mga nagmotorsiklo na ilalagay rin sa ilalim ng mga flyover na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, C5 Road, Roxas Boulevard, at Parañaque.

Facebook Comments