Bubuksan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners nitong sinalanta ng Bagyong Florita.
Sa isang pahayag, sinabi ni GSIS president at general manager Jose Arnulfo Velasco, maaaring manghiram ang isang miyembro na may existing emergency loan nang aabot sa 40,000 pesos upang bayaran ang naunang loan balance at maaari pa ring makatanggap ng 20,000 pesos.
Habang ang wala namang existing na emergency loan ay maaaring mag-apply sa halagang 20,000 pesos.
Ayon kay Velasco, maaaring mag-apply ng loan ang kanilang aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Facebook Comments