Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippines Red Cross o PRC Chairman and Senador Richard Gordon na handang makatugon ang PRC sa oras ng emergency sa Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno.
Ayon kay Senador Gordon, nais ng PRC na maging ligtas ang mga deboto na dadalo sa prusisyon ng Itim na Poong Nazareno kaya at ipakakalat nila ang libong bilang ng mga tauhan ng PRC upang matiyak ang kaligtasan ng mga makiisa sa Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno.
Paliwanag ni Gordon na maglalagay sila 13 first aid station na mayroong Welfare Desks ng Emergency Medical Unit sa ruta ng prusisyon na may kasamang volunteer doktors at nurses na kayang tumugon ng oras ng emergency gaya ng mayroong manganganak, basic surgery, laboratory, at iba pang emergency na pangangailangan.
Dagdag pa ng Senador na kabuuang 47 mga ambulansiya, 3 rescue boats, amphibian, at rescue vehicles ang ipakakalat sa mga dadaanan ng prusisyon.
Matatandaan na umaabot sa 1,637 mga devotees ang nasugatan noong 2019 Traslacion kung saan umaasa ang PRC na bababa ang bilang ng mga masasaktan o masusugatan sa taunang pagtitipon ng mga deboto.