Emergency Operations Center sa BARMM, pinagana na

Dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Chedeng sa rehiyon ng kabubuo lamang na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Pinagana na ng NDRRMC ang Emergency Operations Center ng mga probinsya na bumubuo rito kabilang ang: Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur, Maguindanao, syudad ng Marawi, Lamitan at Cotabato.

Ayon sa NDRRMC, 24/7 dapat gumagana ang Emergency Operations Center nang sa gayon ay makapaghatid agad ng tulong at makatugon sa mga apektadong residente.


Kaugnay nito, kahapon ay nagpulong na ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils sa BARMM at tinalakay ang mga paraan na gagawin para mabawasan ang epekto na maidudulot ng bagyo.

Base sa huling pagtataya ng PAGASA, bahagyang bumagal si Chedeng habang ito ay papalapit sa Davao Occidental.

Nakita ang sentro ng bagyo sa may 105 kilometers silangan ng General Santos.

May lakas itong hangin na aabot sa 45 kph at pagbugso ng 60 kph.

Facebook Comments