Pinatatag ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) sa pamamagitan ng pagbili ng bagong generator set na may automatic transfer switch, bilang bahagi ng pagpapaigting ng Public Service Continuity lalo na sa panahon ng sakuna at emergency.
Ayon sa pamahalaang lokal, magsisilbing back-up power source ang generator set upang matiyak ang tuloy-tuloy na komunikasyon, monitoring, at koordinasyon ng EOC na pinangangasiwaan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kahit pa magkaroon ng power interruption.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng paggawa ng powerhouse ang mga MDRRM responders katuwang ang Municipal Engineering Office, gamit ang mga surplus o savings na materyales, bilang paghahanda sa maayos na paglalagyan at instalasyon ng nasabing kagamitan.
Patuloy namang pinagtitibay ng lokal na pamahalaan, kasama ang MDRRMO, ang kahandaan at kakayahan ng bayan sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng sakuna, bilang bahagi ng kanilang pangako sa pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na serbisyong publiko para sa mga Bayambangueño.









