Mahalagang maibigay na sa Transportation Officials ang Emergency Powers dahil umaabot sa anim na oras ang ginugugol ng mga commuter sa Metro Manila para makapasok at makauwi galing trabaho at eskwelahan.
Ayon kay House Transportation Committee Chairperson, Samar Rep. Edgar Sarmiento, kailangang nang malutas ang problema sa trapiko bago pa ito mas lumala pa.
Dapat din aniyang ilagay ang lahat ng transportation-related agencies sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Sa ilalim ng panukalang Traffic Crisis Act, lahat ng ahensyang may kinalamang sa transportasyon gaya ng MMDA ay isasailalim sa pamamahala ng DOTr.
Nakalusot na ito sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara, habang ang bersyon nito sa Senado na inihain ni Sen. Francis Tolentino ay nakabinbin.
Base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 2017, aabot sa 3.5 Billion pesos ang nawawala sa gobyerno dahil sa traffic.