Emergency powers, hindi na hihingin ni PRRD

Hindi na hihingi ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyonan ang malalang trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa Pangulo – inabangan na siya noong unang nagpahiwatig siyang kailangan niya ng emergency powers at pinagdudahan na agad dahil sa korapsyon.

Isisisi na lamang niya ang traffic sa isang babaeng senador.


Una nang nanindigan si Senadora Grace Poe na pwedeng resolbahin ang problema sa trapiko kahit walang emergency powers.

Paliwanag pa ng senadora, maraming pwedeng gawin ang Department of Transportation (DOTr) kahit wala nito.

Hiniling ni Poe sa DOTr na ilatag ang bawat proyekto at kumbinsihin siya kung paano makakatulong ang emergency powers.

Sa ilalim ng emergency powers, gagawing traffic crisis czar ang transportation secretary na susunod sa utos ng Pangulo.

Magkakaroon din ng reporma sa sistema ng transportasyon at maaari nang pumasok ang czar sa isang kontrata sa pagbili at paggawa ng priority infrastructure projects.

Facebook Comments