Hihimukin ng Department of Transportation (DOTr) ang 18th Congress na ipasa ang panukalang emergency powers upang masolusyonan ang problema ng trapiko sa bansa.
Pagtitiyak pa ni DOTr Secretary Arthur Tugade – na walang kurapsyon sa implementation ng mga transportation project kapag naipasa bilang batas ang proposed emergency powers.
Dagdag pa ng kalihim – dapat isama ng mga mambabatas ang panukala sa kanilang agenda lalo na at naisumite na nila ang lahat ng dokumento.
Ang Traffic Crisis Act, ay nakabinbin sa Kongreso kung saan itatalaga bilang traffic chief ang transportation secretary na siyang mangangasiwa sa ilang transportation agencies gaya ng MMDA, ang proposed Metropolitan Cebu Traffic Coordinating Council at ang proposed Davao Traffic Administrator.