Emergency powers ni Pangulong Duterte laban sa COVID-19 pandemic, pinapalawig pa ng tatlong buwan

Hinimok ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang kongreso na palawigin pa hanggang Setyembre ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Kabilang sa kapangyarihan ng pangulo sa ilalim ng nasabing batas ay ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya at pagre-align ng national budget para pondohan ang COVID-19 response measures.

Giit pa ni Rodriguez, kailangang palawigin ito para mabigyan si Pangulong Duterte ng karagdagang panahon para tugunan ang krisis na dulot ng COVID-19.


Nabatid na matatapos na sa June 25, 2020 ang tatlong buwang bisa ng Bayanihan Law.

Facebook Comments