EMERGENCY POWERS | Senator JV Ejercito, umapela na rin

Manila, Philippines – Katulad ni Senator Grace Poe ay umaapela na rin ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senator JV Ejercito na sertipikahang urgent ang panukalang magkakaloob sa kanya ng emergency powers para resolbahin ang matinding problema sa trapiko.

Ayon kay Ejercito, mahalaga ito para maging mabili ang pag-usad ng proseso para maisabatas na ang nabanggit na panukala.

Ipinunto ni Ejercito na hindi sapat ang mga naiisip na paraan ngayon ng gobyerno para maibsan ang napakabagal na daloy ng trapiko.


Inihalimbawa ni Ejercito ang pinag-aaralang implementasyon ng carpooling at odd even scheme na aniya’y pawang band aid solution lamang.

Diin ni Ejercito, sa gitna ng patuloy na tumataas na populasyon ng mga Pilipino ay ang pagpapaigiting ng infrastructure projects ng gobyerno ang solusyon para maibsan ang problema sa trapiko.

Facebook Comments