Manila, Philippines – Sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara, isusulong ni House Committee on Transportation Chairman Rep. Cesar Sarmiento ang pagpasa ng Traffic Crisis Act na magbibigay ng emergency powers kay President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sarmiento, inaasahang isasalang sa plenary debate ang panukala na magsosoluyon sa trapiko sa Metro Manila gayundin sa mga lungsod ng Cebu at Davao.
Aniya, posibleng maaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ng isang single traffic authority na pangungunahan ng Traffic Czar na itatalaga ng Pangulo.
Nakasaad din rito na kailangang makalikha ang Traffic Czar ng traffic management plan sa loob ng 90 araw na siyang magha-harmonize ng lahat ng traffic regulations ng mga apektadong lugar.
Itatalaga rin ang Department of Transportation Secretary bilang Traffic Chief De Officio na may kapangyarihan na kontrolin ang traffic at transport management gayundin ang toad use sa mga tinukoy na lugar.
Magkakaroon rin ang traffic chief ng kapangyarihan na mag-supervise sa mga LGUs ng mga apektadong lugar.