Activated na ang mga emergency preparedness and response protocols sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa Bagyong Jenny.
Ayon kay Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno tuloy tuloy ang koordinasayon nila sa mga kinauukulang ahensya at regional counterparts para masiguro na maayos ang paghahanda sa national hanggang sa local level.
Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes kahapon ng hapon.
Base sa pagtaya ng PAGASA, patuloy na makakaranas ng malakas na pag-ulan ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at Eastern Samar hanggang ngayong araw.
Habang ang Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, at Isabela ay inaasahang makakaranas ng malakas na ulan ngayong hapon hanggang bukas ng hapon.