Pormal nang na-turn over sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang Emergency Quarantine Facilities na magagamit para sa mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19.
Pinangunahan mismo ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pagapapasinaya sa Emergency Quarantine Facilities kasama ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at WTA Architecture plus Design Studio.
Halos 100 ang bed capacity na pinondohan ng Local Government Unit (LGU) ng Marikina upang umalalay sa kapasidad ng mga pasyenteng may taglay ng COVID-19.
Ayon kay Teodoro, malaking tulong ang itinayong pasilidad dahil umaabot na 115 ang kumpirmadong may taglay na COVID-19, 18 ang nasawi at 23 naman ang gumaling dahil hindi kakailanganing pang idiretso ang mga pasyenteng hinihinalaang may taglay na COVID-19 sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Paliwanag ng alkalde, wala nang pangamba ang ilang mga pasyente na dinadala sa naturang ospital na sila ay mahahawa sa nakamamatay na virus dahil ang mga ordinaryong sakit ay matutukan na ng husto ng mga doktor.
Giit ni Mayor Teodoro, mas mainam na ihiwalay sa mga ordinaryong pagamutan ang mga pasyenteng hinihinalang may sintomas na COVID -19 para matutukan ng mga doktor ang kanilang mga karamdaman.