Paiigtingin ng Boracay Inter-Agency Task Force ang kanilang emergency response.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng pitong katao sa pagtaob ng sinasakyan nilang dragonboat.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda – dadagdagan ang mga nagbabantay na lifeguard sa 7,000 metrong habang isla.
Magtatayo rin ng karagdagang lifeguard stations at speed boats.
Dagdag pa ni Antiporda – lahat ng watersports activities sa isla ay dapat may permiso na mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kakausapin naman ng Task Force ang Philippine Dragon Boat Federation na obligahin ang kanilang mga miyembro na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paglalangoy.
Facebook Comments