EMERGENCY RESPONSE SA BINALONAN, PALALAKASIN NG MGA BAGONG PASILIDAD

Pinasinayaan sa Binalonan ang bagong fire station at bagong ambulance bilang bahagi ng pagpapalakas ng emergency response ng bayan.

Ang pasilidad at bagong sasakyang pang-emerhensiya ay inaasahang magbibigay ng mas mabilis at mas epektibong serbisyo sa pagtugon sa sunog at iba pang insidente, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng agarang aksyon.

Sa ginanap na inauguration ceremony, sinabi ng pamahalaang bayan na nilalayon ng proyektong mabawasan ang response time at mapalawak ang serbisyo ng mga fire at rescue personnel.

Nanawagan din ang pamahalaan sa publiko na patuloy na suportahan ang mga programang naglalayong palakasin ang disaster preparedness at kaligtasan sa buong Binalonan.

Facebook Comments