Nakabantay na ang emergency response team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga lugar na tumbok ng Bagyong Ramon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, naka alerto na ang kanilang pwersa na tumutulong sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office at nakipag ugnayan na rin sa mga local government unit.
Nakapwesto na rin ang kanilang mga kagamitan kagaya ng rescue boats sa mga lugar na binabaha, maging ang mga relief goods bilang tulong sa mga magiging biktima ng bagyo.
Matatandaang maagang nagsagawa ng pre-disaster risk assessment ang NDRRMC upang paghandaan ang epekto ng Bagyong Ramon,
Batay sa huling taya ng PAG ASA, lunes ng gabi o martes ng umaga ang magiging landfall ng bagyong Ramon sa Cagayan.