Zamboanga Del Norte, Philippines – Nakatakdang ilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang “Emergency Skills Training Program”para matulungan ang mga babalik na mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay TESDA Director General Secretary Guiling Mamonding, sa kanyang direktiba na natanggap ng TESDA Zamboanga Del Norte, inihayag nito na ang mga babalik na mga OFWs ay maaaring mag-submit ng kanilang application form simula May 1 nang sa ganoon sila ay maka-avail sa skills training program.
Maliban sa mga babalik na OFWs, prayoridad sa programa ang mga drug dependents at ang kanilang mga pamilya, immediate relatives ng isang pulis o sundalo na namatay inline sa kanilang trabaho, miyembro ng pamilya ng mga traffic enforcers at ang marginalized sector.
Kaugnay nito, handa na ang TESDA Zamboanga Del Norte na bumuo na ng skeletal force na siyang tatanggap ng mga aplikante sa nasabing programa simula Mayo uno (labor day).
Ang Emergency Skills Training Program ay bahagi ng Special Training for Employment Program (STEP) at Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng ahensya.
DZXL558