Mapapakinabangan na ang 18 tents ng Philippine Red Cross (PRC) na makikita sa compound ng Lung Center of the Philippines.
Pinangunahan ni PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon ang pagturn -over ng mga tents na magsisilbing extension ng ospital para ma-accommodate ang overwhelming volume ng mga COVID-19 patient na nais magpa-admit.
Ang 18 Red Cross emergency field hospital tents ay gagamiting ward extension, triage, nurse station at x-ray area.
Ito ay air condition, mayroong 64-beds na may medical equipment tulad ng oxygen tanks, ECG machine, PPV and intubation set, automated external defibrillator, at iba pang basic ward.
Itinuturing na ni Sen. Gordon na nasa war situation ang laban ng bansa sa COVID-19, dahil bukod sa tumataas na kaso ng mga tinatamaan ng virus, ay kulang na rin sa mga pasilidad at mga ospital.