Emergency Use Authorization ng Moderna, inaprubahan na ng Estados Unidos

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Estados Unidos ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Moderna bilang bakuna laban sa COVID-19.

Nakabase ang desisyon ng FDA sa late-stage study ng 30,000 volunteers kung saan napag-alaman na 95 percent itong epektibo laban sa sakit.

Binati naman ni FDA Commissioner Stephen Hahn ang Moderna dahil sa tagumpay nito sa paghahanap ng gamot.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 313,000 ang nasawi sa US dahil sa sakit habang umakyat na sa mahigit 17 milyon ang naitalang kaso.

Facebook Comments