Emergency use ng Remdesivir kontra COVID-19, inaprubahan na sa South Korea

Aprubado na ng South Korea ang paggamit ng Remdesivir mula sa Gilead Sciences Incorporated bilang gamot kontra COVID-19

Ayon sa South Korean Ministry for Food and Drug Safety, binabawasan ng Remdesivir ang Coronavirus sa katawan ng isang nagpositibong  pasyente.

Una nang sinabi ng Gilead na nakatulong sa paggaling ng isang pasyenteng may moderate COVID-19 ang limang araw na treatment maging ang 10-day treatment.


Matatandaang pinayagan na rin ng US Food and Drug Administration ang paggamit ng Remdesivir noong nakaraang buwan matapos mabawasan ng 31%  ang mga nananatili sa mga ospital dahil sa  nasabing sakit.

Facebook Comments