EMERGENCY WAGE INCREASE | ALU-TUCP, nakatanggap na ng paanyaya mula sa mga regional wage boards

Manila, Philippines – Nakatanggap na ang Labor group Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ng paanyaya mula sa mga regional wage boards, bilang hudyat sa pagdinig na gagawin sa kahilingang magpatupad ng emergency wage increase.

Kasabay nito, pinaalalahanan nito ang mga wage boards na nasa P1,200 ang kinakailangan para isang pamilya na may limang miyembro.

Kasunod ito ng naging kautusan ni President Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na pulungin na ang convene regional wage boards.


Dahil dito, inatasan na ni ALU-TUCP National Executive Vice President Gerard Seno ang kanilang labor representatives sa mga regional wage board na aktibong makibahagi sa gagawing pag adjust sa wage rates.

Kasabay nito, umaapela si Seno kay Pangulong Duterte na ibigay na rin ang hinihinging P500 monthly subsidy sa mga manggagawa.

Buwan pa ng Abril nang isumite kay na Duterte ang April 2017.

Facebook Comments