Emilio Aguinaldo College Generals, panalo kontra Arellano University Chiefs sa NCAA

Sports – Hawak ngayon ng Emilio Aguinaldo College ang ikatlong pwesto na may 3-2 win/loss record sa standing sa NCAA seniors basketball tournament matapos na talunin ang Arellano University.

Nanalo ang EAC Generals kontra Arellano Chiefs sa score na 85-79 kung saan nanguna sa panalo si Sydney Onwubere na may 17-points at 14-rebounds.

Tinapos naman ng de La Salle-College of St. Benilde Blazers ang 4-game losing streak makaraang manalo sa MAPUA University Cardinals a score na 74-69 sa second game.


Pinangunahan ni Blazers Guard J.J. Domingo ang koponan na may 24-points kaya’t umangat ang kanilang kartda sa 2-4 habang bumagsak sa huling pwesto ang Cardinals na may isang panalo at limang talo.

Facebook Comments