Emmanuel Leyco, hindi pa ramdam ang pagiging OIC ng DSWD

Manila, Philippines – Si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Emmanuel Leyco ang tatayong OIC ng nasabing kagawaran habang wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni Judy Taguiwalo.

Ayon kay Leyco, wala naman daw marching order sa kanya.

Sa ngayon, titiyakin niya lamang na hindi maantala ang mga tumatakbong operasyon ng kagawaran.


Tulad ni Taguiwalo, galing din siya sa academe at mismong si Taguiwalo ang naghimok sa kanya na magserbisyo sa DSWD.

Facebook Comments