Emosyon at galit kaugnay sa Sulu encounter, hindi dapat pairalin

Umapela si Senator Panfilo Ping Lacson sa mga miyembro ng Philippine Army na huwag hayaan na tumindi ang kanilang emosyon o galit kaugnay sa pagkakapatay ng Sulu Provincial Police sa apat (4) nilang mga kasamahan.

Ayon kay Lacson, naiintindihan niya ang nararamdaman ni Philippine Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay na nagsabing isang uri ng rubout o murder ang nangyari.

Pero giit ni Lacson, sa panahong ito ay pinakahuling kailangan nilang hayaan ay ang tumindi ang kanilang emosyon o galit dahil siguradong ipinagdiriwang ito ng kanilang mga common enemy na kinabibilangan ng mga terorista at rebeldeng grupo.


Diin ni Lacson, ang mga kaaway na ito ng estado at kanilang mga legal fronts ay may kakayahan na paypayan ang apoy o patindihin ang galit sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ayon kay Lacson, ito ay sa pamamagitan ng paglikha ng intriga at pagkakalat ng maling mga impormasyon para magresulta sa pagkakawatak-watak tulad ng kanilang ginawang paninira sa Anti-Terrorism Act at National ID System.

Samantala, pinaboran naman ni Senator Lacson na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mangunguna sa imbestigasyon.

Facebook Comments