Marami pa ring Pilipino sa Lebanon ang ayaw lumikas pabalik ng bansa sa kabila ng lumalalang tensyon doon.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac, emotional ties o malakas na bonding sa kanilang employer ang nakikitang dahilan kung bakit maraming OFW ang hindi lumalahok sa repatriation program ng gobyerno, lalo na ang mga domestic workers.
Dagdag pa ni Cacdac, kumpara sa domestic workers, mas madali rin aniyang kumalas ang mga ito sa kanilang employer ang mga OFW na nasa corporate file
Paliwanag ng kalihim, nabubuo ang emotional ties at bonding dahil sa araw – araw na pagsisilbi habang nabubuo din ang commitment sa mga employer.
Facebook Comments