Empleyado, hindi puwedeng sibakin dahil hindi nagpabakuna – DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi maaaring gawing ground para sibakin ang isang empleyado kung tumanggi itong magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ito ang pahayag ng ahensya sa harap ng mga ulat na may ilang employer ang magpapatupad ng mandatory vaccination sa kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi maaaring puwersahin ang mga empleyado na magbakuna.


Walang legal na batayan ang mga employer o kumpanya na i-require ang kanilang manggagawa na magpabakuna bago sila payagang pumasok.

Iginiit ni Bello na maituturing itong illegal suspension o illegal dismissal sa parte ng employer.

Ang mga kumpanyang gagawa nito ay papatawan ng administrative case.

Pagtitiyak ng DOLE na maglalabas sila ng department order para protektahan ang mga manggagawa.

Facebook Comments