Arestado ang isang Empleyado ng vape shop sa Lingayen matapos matuklasan na umabot sa mahigit P400,000 ang halaga ng naipon na hindi nai-remit nito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bigo umanong maibigay ng 24 anyos na empleyado ng vape shop ang higit P19, 000 na napagbentahang halaga mula December 21.
Nang halungkatin ang iba pang kita ng vape shop, nalaman ding pati ang mga kita simula pa nitong Hunyo ay hindi na naibigay ina naipon at umabot sa mahigit P400,000.
Dinala pa ang suspek sa ospital para sa medico-legal examination bago dalhin sa pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments










