Ayon kay Atty. Paul Mauricio, napag-alaman aniya nito na ilan sa mga staff ng Legislative Office na nakatalaga sa kanya ay hindi sumahod dahil wala umanong nakitang attendance ang mga ito sa pamamagitan ng pag time in at out sa biometric.
Ayon pa sa Konsehal, iginiit umano ng kanyang staff na hindi sila nakapag biometrics subalit nagtrabaho naman ang mga ito. Ibinahagi rin ng Konsehal na bago pa man ipinatupad ang biometrics sa mga empleyado ng LGU Cauayan ay DTR muna ang ginagamit ng mga ito.
Ikinalungkot naman ng City Councilor ang hindi pagkakasahod ng kanyang kasamahan dahil lamang sa hindi nakapag biometric.
Sinabi nito na dapat tignan muna ng maigi ng Human and Resource Development ang status at attendance ng bawat staff ng City Hall bago magpasweldo para iwas sa aberya.
Ikinadismaya rin ng Konsehal ang kawalan ng Human Resource Office sa opisyal na datos o listahan ng mga manggagawa sa bawat tanggapan ng LGU para sana sa kanilang monitoring.
Kaugnay nito ay hiniling sa konseho na magkaroon ng Committee Hearing sa September 9, 2022 ang HR Department, City Legal Office kasama ang mga City Councilors para pag-usapan at masolusyunan ang naturang isyu o hinaing ng ilang mga manggagawa dito sa Lungsod.