Nahaharap sa pagkakakulong ang isang lalaki sa Jiangsu, China matapos magbiro na tinamaan ng 2019-novel coronavirus upang hindi papasukin sa trabaho.
Nagpaalam ang kinilalang si Zhu noong Pebrero 13 na hindi makakapagtrabaho dahil nahawa ng coronavirus, ayon sa ulat ng Changzhou Daily.
Sinabi pa ni Zhu na nakuha niya ang virus mula sa isang babaeng nakumpirmang may COVID-19 na nakasalamuha niya sa supermarket.
Dahil dito, pansamantalang itinigil ng kompanya ang operasyon at isinailalim sa quarantine ang 47 empleyado.
Ngunit habang inuusisa ng awtoridad si Zhu, nadiskubreng maraming butas sa kanyang salaysay at pineke rin nito ang ilan sa kanyang mga dokumento.
Umamin din kalaunan si Zhu na hindi totoong tinamaan siya ng sakit at sinabi lamang daw ito para magpahinga sa trabaho.
Sinintensyahan ang empleyado ng tatlong buwang pagkakakulong at anim na buwang probation period, ayon sa Sohu.com.