Empleyado ng Barangay,Patay matapos Pagbabarilin ng Kanyang Sariling Kapatid

1104

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng makailang beses ng kanyang mismong kapatid bandang 8:45 kaninang umaga sa Brgy. Dipangit, Jones, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Damian Samut, 51 anyos, may asawa, isang empleyado ng barangay at residente sa nasabing lugar habang nakilala ang suspek na si Ferdie Samut, 50 anyos, may asawa at isang magsasaka.


Ayon kay P/Lt. Florencio Molina Jr., Deputy Officer ng PNP Jones, lumalabas sa imbestigasyon na may matagal ng personal na hindi pagkakaunawaan ang dalawang magkapatid at pinagbabaril ng suspek ang kanyang nakatatandang kapatid.

Dagdag pa ni P/Lt. Molina, sinubukan pa umanong iwasan ng suspek ang kanyang kapatid at mas piniling umuwi nalang sa kanilang bahay pero sinundan ito ng biktima at hinamon na labanan siya hanggang sa kinuha ng suspek ang kanyang baril at agad na pinagbabaril ito ng tatlong beses sa mukha at dibdib na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek habang inihahanda na ang kasong Murder laban dito.

Facebook Comments