Empleyado ng BIR na pinagbabaril patay, tukoy na!

Manila, Philippines – Tukoy na kung sino ang official ng BIR na pinag babaril sa brgy. Philam West Ave.Q.C ngayong umaga.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang biktima ay nakilalang si Alberto Enriquez, Section Chief ng BIR.
Nakahandusay pa sa pagitan ng dalawang kotse ang mga labi ni Enriquez habang nag papatuloy pa ang imbistigasyon.

Ayon sa ilang saksi, pababa na ang biktima sa kanyang sasakyan ng hintuan ng riding in tandem at malapitang pinag babaril ng hindi nakilalang suspek.


Sinisikap pa ng mga owtoridad na makakuha ng mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Hindi pa malinaw kung anong motibo sa pamamaril sa opisyal ng BIR.

DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments