Empleyado ng BIR, Patay Matapos Magulungan ng Bus!

2342

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakabase sa Naguilian, Isabela matapos matapos na mabangga at magulungan ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima at drayber ng Rusi na motorsiklo, walang plaka na si Mark Vincent T Balisi, nasa hustong gulang at residente ng Rizal St. Sta. Barbara, Poblacion City of Ilagan. Isabela.


Habang ang suspek at drayber naman ng Florida bus na may plakang BVR368 na si Rodel Bumagat, 42 anyos, may-asawa, at residente naman ng Brgy. Binarsang, Quirino, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt Rey Lopez, hepe ng PNP Gamu, lumabas sa kanilang imbestigasyon, pauwi na sana ng kanilang bahay ang biktima nang mangyari ang insidente pasado alas onse kagabi.

Base aniya sa pahayag ng drayber ng bus, sinusundan nito ang motorsiklo ng biktima at nang nagpreno umano ang biktima ay bigla na lamang natumba at tumilapon sa daan kaya’t nasagasaan rin niya ito.

Ayon kay PCapt Lopez, posibleng natumba ang biktima dahil na rin sa madulas na daan.

Agad na namatay ang biktima matapos na magulungan ng bus.

Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments

From Advertisers