Empleyado ng DA na sangkot sa pag-smuggle ng karne, tiyak na kakasuhan

Manila, Philippiens – Siniguro ni Agriculture Secretary William Dar, na mananagot ang kung sinuman sa kanyang mga kasamahan sa Department of Agriculture (DA) ang sangkot sa pag-tra-transport ng hot meat, pati na rin ang nag-smuggled na karne.

Kung maalala kabilang sa mga bansa na pinagbabawalan ng DA na pag-angkatan ng karneng baboy ang China, Japan, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa at Zambia.

Ayon kay Secretary Dar, nakikipag-ugnayan na sila sa Manila City officials para matukoy kung sino ang mga sangkot sa pag-smuggle ng mga karne.


Tiniyak ng opisyal na agad tatanggalin sa trabaho at kakasuhan pa sa korte kung sino man ang sangkot na taga DA.

Mayroon nang nahuli sa Pampanga at ang pinakabago ay nahuli sa Maynila na mga hot meat mula China na nagkakahalaga ng 20 milyong piso.

Samantala, tiniyak ng DA na walang direktang epekto sa tao ang African swine fever o ASF.

Facebook Comments