Empleyado ng DENR, arestado sa buy bust operation ng PDEA sa Butuan City

377

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang drug suspek kung saan isa sa mga ito ay empleyado ng DENR na kabilang sa listahan ng High Value Target (HVT) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga sa ikinasang buy-bust operation kamakailan lang sa Purok Silangan, Brgy. Agusan Pequeño, Butuan City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Aldrich Edar Fortun, alias “Aldrich”, empleyado ng DENR at Mark Anthony Homarito Fortun.

Narekober sa posisyon ni Aldrich ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, DENR ID at Philhealth ID.


Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at section 26 Article II ng RA 9165 ang mga suspek.

Facebook Comments