Empleyado ng DepEd na Nakikipagtagay sa 2 Tsuper, Dinakip sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Muling nakaiskor ang himpilan ng PNP Tumauini, Isabela matapos na makahuli ng isang empleyado ng DepEd at dalawa pang drayber na abala sa pagtatagay ng alak sa Barangay Lingaling sa naturang bayan.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Mark Vargas, 30 anyos, DepEd Employee, walang asawa, Artemio Gumayas, 37 anyos, drayber at Milky Garcia, 36 anyos, drayber at pawang mga residente ng naturang barangay.

Dakong alas 8:45 ngayong gabi, April 28, 2020 nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya mula sa concerned citizen na may nag-iinuman sa isang bahay sa kanilang lugar.


Agad itong nirespondehan ng pulisya at naaktuhan na tumatagay ang tatlong mga suspek sa kabila ng mahigpit na ipinapatupad na liqour ban sa ilalim ng ECQ.

Hinuli ang mga ito at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

*Tags: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, *Mark Vargas, Artemio Gumayas, Milky Garcia, pnp tumauini, pmaj rolando gatan

Facebook Comments