Empleyado ng DPWH, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

157

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang kawani ng DPWH at itinuturing na Top 12 High Value Target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation bandang 8:30 kaninang umaga sa Brgy. Southwest, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Benedict Carag, 34-anyos, may-asawa isang contractual employee at residente ng Centro Northeast, Solana, Cagayan.


Dinakip si Carag ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cagayan Provincial Office katuwang ang PIU/ PDEU CPPO, at Solana Police Station.

Positibong napagbentahan ng suspek ng isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P2,000.

Nakumpiska sa suspek ang P1,000 na boodle money at tatlong pakete ng hinihinalang shabu at pinatuyong dahon ng marijuana.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments