Empleyado ng fastfood chain, viral matapos maligo sa lababo

109
Image via Haley Leach

Nasisante ang isang empleyado ng Wendy’s, isang burger fastfood chain, matapos mag-viral ang video habang naliligo sa lababo nito sa kusina.

Sa kaniyang caption na, “I don’t suggest anyone eating at the Milton Wendy’s again 🤮 🤮 🤮” na umabot ang video sa 1.1 million views.


Maraming nagkomento sa immature behavior nito at sinabing nakakasuklam ang ginawa niya.

Pagtapos mag-viral ang video, agad na pumunta ang mga inspektor ng Department of Business and Professional Regulation upang masiyasat ang insidente.

Ayon sa Pensacola News Journal, nasisante ang empleyado dahil sa paglabag na ginawa nito.

“Taking this incident seriously and it is obviously totally unacceptable. This was a prank by a person who no longer works at this restaurant, and who clearly did not use good judgment,” pahayag ni Mike Johnson, marketing director ng Wendy’s.

Facebook Comments

From Advertisers